-- Advertisements --
Kinumpirma ng Korean boy group na GOT7 na magkakaroon sila ng reunion.
Sinabi ng kanilang miyembro na si JAY B, na naghahanda na sila para sa kanilang comeback concert sa darating na Enero 20, 2025.
Isinagawa nito ang anunsiyo sa kaniyang solo-concert na ginana sa Seoul noong Disyembre 7.
Sa kani-kanilang mga social media account ay nagpost ang mga miyembro nito ng kanilang kasabikang magbalik sa konsyerto.
Ang kanilang pagbabalik ay kasabay rin ng kanilang ika-11 taon sa music industry.
Taong 2022 ng magkahiwalay ang grupo matapos na sila ay umalis sa agency na humahawak sa kanila.