-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Nagpalabas ng medical bulletin ang Adela Serra Ty Memorial Medical Center na nagkumpirma sa pagka-confine ni Surigao del Sur Governor Alexander ‘Ayec’ Pimentel matapos magpositibo sa COVID-19 at nakaranas ng mild symptoms ngunit nasa stable ng kondisyon.

Base sa nasabing bulletin, kinumpirma ng naturang ospital na stable ang vital signs ng gobernador at walang medical complaints simula ng ito’y ma-confine ngunit patuloy nilang mino-monitor at binigyan ng medical at nursing care.

Kahit na nasa ospital na, patuloy pa ring pina-aalahanan ng gobernador ang publiko na istriktong oobserbahan ang lahat ng mga health precautions laban sa COVID-19 gaya ng palagiang paghuhugas ng kamay, pagsusuot ng face mask at face shield, physical distancing at ang pagsi-share ng mga tama at lihitimong mga balita at impormasyon.