-- Advertisements --

Gov Catamco at DAR- MINSAAD namahagi ng ayuda sa mga magsasaka sa N-Cotabato

CENTRAL MINDANAO-Pinasinayaan ni Governor Nancy Catamco ang 13M seedling distribution ng DAR-Minsaad para sa mga magsasaka ng cacao, coffee at rubber sa bayan ng Banisilan Cotabato.

Labing limang asosasyon ng magsasaka ang tatanggap sa mga seedling na pinapamahagi ng DAR sa ilalim ng MINSAAD program.

Ipinaliwanag ni Provincial Agrarian Reform Officer Engr. Reynaldo Anfone na nakalaan ang pundo para sa 400 hectares na kapehan, 400 hectares na rubber plantation at 200 hectares naman para sa cacao planters.

Ang proyekto ay bahagi ng 132M project na kinabibilangan ng infrastructure, communal Irrigation, Farm to Market Road at Agriculture and Agroforestry Development component.

Hiling ng Gobernadora sa mga magsasaka na pagbutihin ang suporta na bigay ng pamahalaan at naway maging elemento na mapalakas ang kani-kanilang asosasyon.

Masaya ang Gobernadora sa nakitang sigasig ng liderato ni Banisilan Mayor Jesus “Butchoy” Alisasis sampu ng nga myembro ng Sangguniang Bayan na pinangunahan ni Vice Mayor Juliet Caranay.

Nagkaroon rin ng ceremonial tree planting sa municipal ground kasama si Alamada Mayor Jesus “Susing” Sacdalan, Banisilan Municipal Officials at PARO, MARPO at mga kawani ng DAR Minsaad.

Kabilang sa mga naghayag ng pasasalamat sa seedling distribution ay si Ginoong George Molina ng Banisilan Rubber Farmers Agrarian Beneficiaries Cooperative (BARFARBC). Sila ang beneficiary ng isang Milling plant na pinunduhan ng programa.

Personal rin na binisita ng Gobernadora ang milling plant ng barFarBC sa Barangay Gastav, kasama sina PARO Anfone at Mayor Alisasis.

Buo ang suporta ng Gobernadora sa hiling ng mga asosasyon at nang LGU.