CENTRAL MINDANAO-Sa harap ng banta ng Covid, matagumpay na nakapagsulong ng blood donation activity ng Integrated provincial Health office.
Nabatid mula sa IPHO Blood Program Coordinator Ely Nebrija, na aabot sa 554 blood donations ang kanilang nalikom sa buong buwan ng Hulyo.
Kaakibat ang Cotabato Regional Medical Center at Kidapawan City Blood Bank, naisulong ng IPHO ang mobile blood donation program sa bayan ng Carmen, Matalam at President Roxas.
Nakatakda naman na magsagawa ng blood letting activity ang IPHO kasama ang CRMC at Kidapawan City Blood Center sa bayan Matalam at President Roxas.
Ang aktibidad ay bahagi ng regular programa ng Provincial Government sa ilalim ng administrasyon ni Governor Mancy Catamco kaugnay sa pagtiyak na mayroong sapat na supply ng dugo ang Provincial Hospital.
Nagpasalamat naman ang Gobernadora sa lahat ng mamamayan na patuloy na sumusuporta sa mga programa ng IPHO.
Basi sa datus na nailabas ng IPHO, aabot sa kabuuang 1,133 ang nalikom na blood donations ng IPHO sa buwan ng Mayo, Hunyo at Hulyo.