-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY-Pinuri ni Misamis Oriental Gov. Yevgeny ‘Bambi’ Emano si Pang. Rodrigo Duterte dahil sa matagumpay na pagpahinto ng operasyon ng KAPA Ministry International Inc. dito sa lalawigan.

Sinabi ni Gov. Emano sa panayam ng Bombo Radyo, na dahil sa utos ni Pang. Duterte na ipasara ang lahat ng tanggapan ng KAPA, naisalba nito ang iba pang miyembro ng grupo na gustong mag-donate ng kanilang pinaghirapang pera dahil sa pinapangakong malaking return of investments.

Aniya, hindi dapat magalit kay Pang. Duterte ang mga KAPA, bagkus, magpasalamat sila dahil napahinto nito ang isa sa mga malalaking investment scam sa bansa.

Pinayuhan rin ng gobernador ang mga KAPA members na itakwil ang founder na si Pastor Joel Apolinario at mag-iingat sa iba pang investment groups na may kahintulad ng modus sa KAPA ministry.