Kinumpirma ni Albay Gov. Edcel ‘Grex’ Lagman na nakatanggap siya ng preventive suspension order mula sa Ombudsman ngayong araw, Oktubre 18, 2024.
May kaugnayan ang kautusan sa umano’y isyu ng iligal na sugal na jueteng sa nasasakupang probinsya ni Lagman.
Layunin nitong hindi maimpluwensyahan ng gobernador ang takbo ng pagsisiyasat.
“I will fight this legally flawed preventive suspension. As a lawyer, the same has absolutely no legal basis. Even freshman law students are in agreement.,” wika ni Lagman.
Dahil dito, si Vice Governor Glenda Ong-Bongao ang hahalili muna bilang acting governor ng lalawigan.
“The event i was expecting has come to pass. I have received my preventive suspension order from the Ombudsman today. Therefore, VG Glenda has to assume as Acting Governor at the soonest possible time,” dagdag pa nito.