CENTRAL MINDANAO – Nais gawing peace and economic zone ang Shariff Aguak-Pagatin (Datu Saudi), Mamasapano, at Datu Salibo o mas kilala bilang SPMS Box sa probinsya ng Maguindanao.
Ito ang hangad ngayon ni Maguindanao Governor Bai Mariam Sangki-Mangudadatu.
Aniya, ibubuhos ng gobernadora ang mga proyekto sa SPMS Box para guminhawa ang mga residente at maramdaman nila ang gobyernong may malasakit sa taongbayan.
Ang SPMS Box ay kilalang kuta ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF), mga armed lawless group at iba pang mga armadong grupo.
Sinasabing bababa ang gobyerno sa SPMS Box para ihatid ang lahat ng serbisyong nararapat para sa kanila.
Matatandaan na libu-libong mga residente sa SPMS Box ang naapektuhan sa matinding engkwentro ng militar at mga armadong grupo.
Maraming buhay na rin ang nalagas at mga sibilyan na naiipit sa gulo sa SPMS Box.
Ngayong araw ay pormal na ring manunungkulan si Gov Mangudadatu.