LAOAG CITY – Humingi ng paumanhin si Gov. Matthew Marcos Manotoc sa publiko dahil sa hindi pagkansela ng klase ngayong araw.
Ayon sa kanya, akala niya ay magiging mas maganda ang panahon ngayon ngunit hindi rin ito nangyari.
Aniya, sampung porsyento ng lalawigan ang naapektuhan ng pananalasa ng Bagyong Julian.
Paliwanag niya, kung maaari ay ayaw niyang suspendihin ang klase ng mga estudyante dahil sayang ang kanilang productivity at pag-aaral.
Aniya, nagpatupad ito ng localized approach sa mga Local Chief Executive at School Heads na magkansela ng klase dahil mas nakikita nila ang sitwasyon sa kanilang lugar.
Samantala, sinabi ni Gov. Manotoc sa publiko na maging mas maging maingat siya sa pagkansela ng klase sa pamamagitan ng precautionary measures.