NAGA CITY – Labis ang pasasalamat ni Gov. Migz Villafuerte sa muling pagkaka-proklama bilang gobernador sa Camarines Sur, tatlong araw matapos ang halalan.
Buko kay Villafuerte, iprinoklama rin ang kanyang running mate na si Imelda Papin na uupo namang vice governor ng lalawigan.
Sa kabila nito, hindi napigilan ng gobernador na pasaringan ang kanyang nakatunggali na si 1st District Cong. Nonoy Andaya.
Ayon sa gobernador, ginawa ng kanyang kalaban ang lahat ngunit bigo itong magtagumpay sa eleksyon.
Una rito, nag-post sa kanyang social media account ang gobernador para kwestyunin ang aniya’y pagdala ng mga vote counting machine sa lugar ng kanyang kalaban sa Abo, Tigaon.
Napag-alaman na nakakuha ng kabuuang boto ang re-elected governor ng kabuuang 413,592; habang 408,147 votes kay Andaya.
Ito na ang ikinokonsiderang pinaka-mabigat na laban na hinarap ng gobernador kompara sa mga nakaraang halalan dahil sa halos parehong bilang ng botong nakuha.