-- Advertisements --

LA UNION – Limang araw bago ang November 15 deadline ng Comelec para sa substitution ng mga kandidato sa 2022 national and local elections, dalawang kandidato sa La Union ang nag-withdraw ng kanilang kandidatura.

Ginulat ni Governor Francisco Emmanuel “Pacoy” Ortega III ang mga residente sa La Union sa pag-atras nito sa gubernatorial race.

Kasama ng gobernador ang kanyang anak na si Raphaelle Veronica Ortega-David na nagtungo sa opisina ng COMELEC Provincial Office upang bawiin ang kanyang certificate of candidacy.

Magugunita na Oktubre 1 nang maghain ng kanyang COC si Ortega para sa kanyang reelection bid.

Ang anak naman niya ay tatakbong Board Member sa unang distrito ng La Union.

Gayunman, wala pang pormal na anunsiyo kung ano ang tatakbuhang posisyon ang mag-ama.