-- Advertisements --

BOMBO DAGUPAN -Nagpasalamat si Gov. Ramon “Mon-Mon” Guico III sa Bombo Radyo sa paghahatid ng mga mapagkakatiwalaang balita para sa mga mamamayan sa lalawigan ng Pangasinan.

Ginawa ni Guico ang pahayag sa media fellowship night kagabi sa bayan ng Lingayen kasabay ng pagkilala nito sa kontribusyon ng mga credible and real media personalities o practitioners.

Ayon sa naturang gobernador, ang Bombo Radyo ang kanyang pinagkakatiwalaang media entity sa probinsya dahil sa hindi matatawarang pagbibigay ng tama at may kredibilidad na mga balita para sa mga residente ng Pangasinan.

Sinabi din niya na isa ang ating himpilan sa kanyang pinagkakatiwalaang himpilan sapagkat subok na mula noon hanggang ngayon ang paghahatid ng nararapat na balita.

Dagdag pa niya, pinapanindigan din niya ang kanyang pananaw na ang kanyang pinaniniwalaang media ay ang mga propesyonal na may output at may magandang intensyon para sa lalawigan.