-- Advertisements --

CEBU CITY-Hinihintay pa rin ngayon Cebu Provincial Office ang transmittal ng boto galing sa 3 bayan ng Lalawigan ng Sugbo para tuluyan ng maproclaim kung sino ang magiging Cebu Governor at Vice Mayor.

Ito ang kinumpirma ni Cebu Provincial Election Supervisor Atty. Jerome Brilliantes matapos na na-corrupt ang SD card sa bayan ng San Fernando, Ronda at lungsod ng Toledo.

Ayon nito na hinihintay nila ang instruction galing sa Manila para madownload ang data. Ngunit sinabi ng election supervisor na kahit leading 3rd district representative Gwen Garcia na may 884,365 votes sa governatorial race laban kay Vice Governor Agnes Magpale na may 596,471 votes at kahit paman may magconcede sa kanila ay wala pa ring maproproclaim hangga’t wala pang transmittal ng boto sa naturang mga lungsod.

Ayon naman sa kampo ni Garcia na “willing to wait” sila na matransmit ang nasabing mga boto kahit pa umano matatagalan.

Hindi pa rin mabatid kung bakit na-corrupt ang nasanbing SD Cards at hindi rin ni alam kung kailan ito matra-transmit.