Bukas ang ilang mga empleyado ng gobyerno sa hakbang ng House of Representatives na babaan ang kanilang opsyonal na edad sa pagreretiro mula 60 hanggang 56 na taong gulang.
Ayon kay Atty. Aileen Lizada ng Civil Service Commission, ang isang konsultasyon ng mga tauhan sa buong bansa na isinagawa noong 2019 bago ang pandemya ng COVID-19 ay nagpakita na gusto nilang magretiro sa mas batang edad.
Aniya, ang Pilipinas ang may pinakamatandang mandatory age at optional retirement age sa Association of South East Asian Nation o ASEAN.
Dapat umano na bigyan ng pagkakataon ang mga empleyado ng gobyerno na gamitin ang kanilang natitirang productive years para sa iba pang makabuluhang bagay.
Sa ngayon, umaapela si Lizada sa Senado na isaalang-alang ang counterpart bill para sa maagang pagreretiro ng mga empleyado ng gobyerno ng ating bansa.