-- Advertisements --
GSIS

Tiniyak ng Government Service Insurance System o GSIS ang 24/7 availability ng mga impormasyon sa kanilang ahensya dahil sila ay kasalukuyang digitalized na rin.

Ang kagandahan raw nito ay hindi na kailangan pang pumunta ng mga tao sa kanilang opisina para magproseso ng kanilang transaksyon, sa halip ay maaari na nila ito gawin kahit nasa bahay.

Ayon kay Senior Vice President, Visayas Mindanao Operations Group ng Government Service Insurance System, Atty. Jason Teng, malaki raw ang tulong nitong digitalization sa pagpapaganda ng kanilang serbisyo sa tao.

Dagdag pa niya, karamihan raw sa mga members ay mayroon nang smart phones kaya naman naging flexible ang kanilang ahensya para sa convenience ng mga tao.

Sa tulong ng application sa mobile phone ng Government Service Insurance System mas mapapadali na ang pagproseso ng transaksyons.

Samantala, ang digitalization na ito ay mas tinangkilik hindi lamang ng mga ahensya ng gobyerno kundi pati na rin ang mga pribadong sektor noong kasagsagang o peak ng pandemya.