GENERAL SANTOS CITY – Huli sa akto ng Bombo Radyo GenSan ang isang rescue vehicle ng LGU Maasim Sarangani Province nang makunan ng video ang pagpasok nito isang lodge sa Brgy. San Isidro, nitong lungsod.
Kasunod ito ng ipinaabot na impormasyon ng isang concerned citizen kaugnay sa isang government vehicle na pumasok sa Kings Valley Inn.
Sa panayam kay Mayor Zyrex Pacquiao, kinilala lang nito ang driver na si Junjun na umanoy siyang naghatid ng mga DepEd Officials sa GenSan kahapon matapos na magsagawa ng evaluation sa mga paaralan sa Maasim.
Nilinaw ng alkalde na may official trip ang Toyota pick-up na rescuea vehicle ng LGU Maasim ngunit hindi nito alam na pumasok ang sasakyan sa logde dakong alas 5:00 ng hapon na kung saan na-hulicam ng Bombo Radyo GenSan.
Bilang pagtugon sa pangyayari, kaagad na pinatawan ng ilang buwang suspensyon ang driver ng naturang rescue vehicle habang patuloy na iniimbestigahan ang pangyayari.
Ayon kay Mayor Pacquiao, kung mapapatunayang nagkasala ang driver dahil sa paggamit nito ng gov’t vehicle sa personal nitong lakad, ay maaari itong matanggal sa trabaho.
Nalaman na may pamilya ang driver ng naturang rescue vehicle.