Matatanggap na ng lahat ng mga government workers ang kanilang year-end bonus at cash gift sa buwan ng Nobyembre.
Ito ay matapos na maglabas ng circular ang Department of Budget and Management na nagpapahintulot sa maagang pamamahagi ng naturang bonus at cash gift kasabay ng kanilang unang payroll sa buwan ng Nobyembre ng taong ito.
Ayon kay Budget Secretary Amenah Pangandaman, nag-isyu ito ng Budget Circular 2024-3 na siyang nag amyenda sa dating patakaran sa pagbibigay ng year-end bonus at cash gift sa mga empleyado ng gobyerno.
Ang year-end bonus ay katumbas ng isang buwang basic salary ng isang empleyado habang ang cash gift ay nagkakahalaga ng P5,000.
Tiniyak naman ng kalihim na matatanggap ito ng lahat ng empleyado para maging masaya ang kanilang pasko.