-- Advertisements --

CEBU CITY – Iniutos ngayon ni Cebu Governor Gwendolyn Garcia na isasailalim sa quarantine ang mga pasaherong dadating sa Cebu mula sa China sa loob ng 14 days.

Ito’y alinsunod sa unang naitalang kaso ng 2019 novel coronavirus sa Pilipinas kung saan tinamaan ang isang 38-anyos na babae mula Wuhan City, China.

Napag-alamang bumyahe sa Cebu at Dumaguete ang Chinese-national.

Kaya naman nanawagan din si Lapu-Lapu City Mayor Junard “Ahong” Chan sa Department of Health (DOH)-7 na tingnan ang naranasang sitwasyon.

Ayon kay Chan na nag-alala na ang kanyang mga kababayan kaya kailangang higpitan ang pagbabantay ng DOH-7 sa sitwasyon upang hindi mahawa ang kanyang mga nasasakupan.

Hiling ngayon ng alkalde sa management ng Mactan-Cebu International Airport (MCIA) na isuspindi muna ang mga flights mula sa China.

Sinabi rin ni DOH-7 Director Jaime Bernadas na makikipag-ugnayan ito sa mga concerned agencies upang makapagkalap ito ng impormasyon patungkol sa naging byahe ng babaeng Chinese.