-- Advertisements --
VIGAN CITY – Pinuri ni Ilocos Sur Governor Ryan Luis Singson ang mga mga medical frontliners sa lalawigan sa kanilang hirap at sakripisyo ngayong panahon ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.
Isang awitin ang inihandog sa mga nasabing frontliners sa pamamagitan ng isang seremonya na pinangunahan ng gobernador.
Ayon kay Gov. Singson, batid nila ang lubos na hirap ng mga frontliners kaya naman bilang pasasalamat sa kanila ay binigyan nito ng mga cash incentive.
Maliban diyan, patuloy pa rin ang pag-abiso nila sa mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) sa probinsiya at pati na rin sa Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) para sa kanilang aksyon kontra sa COVID-19.