-- Advertisements --

Naglabas ang Malacañang ng isang kautusang nagmamando sa lahat ng opisina at ahensya ng gobyerno, kabilang ang mga government-owned and controlled corporations, na makilahok sa mga programa ng gobyeno para labanan ang kahirapan.

Sa ilalim ng Memorandum Circular (MC) 59 na pirmado ni Executive Secretary Salvador Medialdea, iniutos ang malawakang suporta sa implementasyon ng “Sambayanihan: Serbisyong Sambayanan.”

Kung maaalala, Setyembre 2018 nang ilunsad ng National Anti-Poverty Commission ang Sambayanihan Caravan na layong tulungan ang mga mahihirap sa pamamagitan ng pagbibigay ng social services sa komunidad.

Target ng programa na tuparin ang pangako ni Pangulong Duterte na ibaba ang poverty incidence sa bansa sa 7.6 percent sa taong 2022.

Ang memo circular ay para matiyak ang “whole-of-government” approach sa layuning ito ng gobyerno.