-- Advertisements --

Hinimok ni Sen. Cynthia Villar ang mga ahensya ng gobyerno na maghanda at gumawa na ng mga hakbang upang maalalayan ang mga manggagawang naapektuhan ng Kuwait partail deployment ban.

Kasunod ito ng panibagong insidente ng pagpatay sa isa na namang overseas Filipino worker (OFW) na si Jeanelyn Villavende.

Ayon sa mambabatas, dapat kumilos na agad ang Department of Labor and Employment (DOLE), Department of Trade and Industry (DTI) at Department of Agriculture (DA) para mabigyan ng alternatibong kabuhayan ang mga OFW.

“Let us scale down the deployment of domestic workers to the Middle East until such time that we are able to put in place a more effective monitoring system onsite. Because this is a business, recruitment agencies will accept job orders for domestic workers that may already be beyond their capacity to monitor. This is one aspect of overseas employment that deserves our serious attention,” wika ni Villar.

Para kay Villar, maaaring bigyan ng pagsasanay ang ilan sa mga OFW upang punan ang pangangailangan ng trabahador sa “Build, Build, Build” project.