-- Advertisements --

Inaasahan umano ng Philippine Red Cross (PRC) na aaprubahan na n gobyerno anumang araw ngayong linggo ang COVID-19 test ang gamit ay laway.

Ayon kay Dr. Paulyn Ubial, pinuno ng molecular laboratory ng PRC, maaaring sa mga susunod na araw na umano nila makukuha ang approval mula sa Food and Drug Administration at Department of Health ukol sa saliva testing.

Nakumpleto na rin aniya ng PRC ang pilot run ng kanilang saliva-based testing method mula sa mahigit 1,000 samples.

Dagdag ni Ubial, ni-rehistro na raw nila sa FDA ang mga kits na ginamit sa testing para mabigyan ng sertipikasyon.

Sakali naman aniyang payagan na ng pamahalaan ang saliva test, puwede naman daw gumaya ang ibang mga laboratoryo.