Pinag-aaralan ngayon ng gobyerno ang mga paraan upang maging bahagi ang mga local government unit (LGU) sa procurement ng bansa sa COVID-19 vaccines.
Sinabi ni NTF Chief Implementer Secretary Carlito Galvez Jr., mismo ang mga alkalde na mula sa National Capital Region (NCR) ang nagpahayag ng kanilang intensyon na tulungan ang national government para sa COVID-19 vaccination program.
Dagdag pa ng kalihim, base sa kanilang pag-uusap kasama ang Metro Manila mayors nais ng mga ito na pagaanin ang trabaho ng national government sa pagbabakuna sa 110 milyong mga Pilipino.
Dahil dito, tinitingnan na aniya nila ang mga paraan na mapayagan ang LGUs na maging bahagi ng pagbili ng bakuna.
“During our talk with NCR mayors, they are more than willing to help and also they wanted to unburden the government because vaccinating 110 million people is a huge task for us and very unprecedented,” ani Galvez.