CEBU CITY – Umapela ngayon ang Commission on Human Rights-7 sa gobyerno na protektahan silang mga human rights advocates.
Ito ang pahayag ni Atty. Arvin Udron, director ng CHR-7 matapos ang pagbaril-patay sa isang human rights defender sa bayan ng Majuyod, Negros Oriental na kinilalang si Salvador “Bador” Romano, 42-anyos.
Ngunit nilinaw ni Udron na hindi nila kailangan ng armas para sa kanilang proteksyon bagkus ang kagaya umano ng ginawa nilang pagprotekta sa karapatang pantao ang hinihiling nila ngayon sa gobyerno na gawin para sa kanila.
Iginiit rin ni Udrona na hindi lahat ng patayan ang may “consent” mula sa presidente ngunit posibleng ang nasa likod nito ay ang mga tinatawag na “loyalist” ng gobyerno.
Nitong Linggo, habang lulan sa kanyang motorsiklo ang human rights advocate na si Bador, binaril ito ng apat na beses ng hindi pa nakilalang mga gunmen.
Nabatid na dating coordinator din si Bador ng Karapatan Negros Oriental at active member ng Iglesia Filipina Independent (YIFI).
Si Bador ang ika-48 aktibista ng probinsya ng Negros ang pinaslang sa ilalim ng Duterte administration.