TACLOBAN CITY – Arestado sa isinagawang magkahiwalay na buy bust operation ang dalawang Highvalue target sa bahagi ng Southern Leyte at Hilongos, Leyte.
Una dito ayon kay Rogellete Urgel, tagapagsalita ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Regional Office 8, na unang nahuli ang isang government employee na kinilala na si Roel Carpiz, 43 taong gulang, nagtratrabaho sa Office of the Municipal Treasurer at residente ng Brgy Zone 2 Sogod, Southern Leyte.
Nakuha sa naturang suspek ang aabot sa 7 sachet ng pinaniniwalaang shabu na may estimated market value na umaabot sa P23,800.
Sumunod naman na nahulo ang isang barangay kagawad na si Noel Vargas, 46 anyos at residente ng Brgy. Bantique Hilongos, Leyte.
Nakuha sa suspek ang dalawang sachet ng pinaniniwalaang shabu na may estinmated market value na P1,000.
Sa ngayon ay nanatili sa kustodiya ng mga otoridad ang naturang mga suspek at nahaharap sa kaukulang kaso.