Nagbabala ang Civil Service Commission (CSC) sa mga government officials na naglalaro ng mga online games tuwing oras ng trabaho.
Ayon kay CSC Commissioner Aileen Lizada, sa ilalim ng kasalukuyang batas, maaring maparusahan ang isang empleyado ng gobyerno na naglalaro ng mga online games sa oras ng trabaho kahit pa sariling gadget ang gamit niya.
Maari raw kasi itong ituring bilang “Conduct Prejudicial to the Best Interest of the Service.”
Nakasaad sa ilalim ng CSC Resolution No. 1701077-2017 Rule on Administrative Cases sa Civil Service, ang mga government offcials at empleyado na lumabag sa Conduct Prejudicial to the Best Interest of the Service sa unang pagkakataon ay maaring masuspinde sa loob ng anim na buwan at isang araw hanggang isang taon.
Sa oras na magkaroon pa ng ikalawang paglabag, maari na itong matanggal sa trabaho.