-- Advertisements --
DAVAO CITY – Nanawagan ang isang opisyal ng pamahalaan sa mga empleyado ng gobyerno na nasasangkot sa investment schemes na mag-resign na lamang.
Sinabi ni Department of Interior and Local Government (DILG) regional director Alex Roldan na napigilan sana ang mga investment schemes sa Davao Region at karatig lugar sa Mindanao kung hindi nanguna ang mga empleyado ng pamahalaan sa pag-invest dito.
Kung gumawa raw agad ng hakbang laban sa mga investment schemes ang mga Local Government Unit (LGUs) napigilan daw sana ang pagdami ng mga nabibiktima ng mga ito.
Samantala, sinabi naman ni Capt. Jerry Lamosao, tagapagsalita ng 10th ID Philippine Army, na mahigpit nilang pinagbawalan ang mga sundalo na mag-invest sa nasabing aktibidad.