-- Advertisements --
DILG alex roldan reg.11
DILG Region-11 Regional Director Alex Roldan

DAVAO CITY – Malaki umano ang posibilidad na lumabag na sa ethical standards ng Civil Service Commission (CSC) ang mga kawani ng pamahalaan na sumali sa iligal na mga investment schemes.

Binigyang linaw ni Department of the Interior and Local Government (DILG-11) Director Alex Roldan na maraming mga empleyado sa lokal na pamahalaan ang bumabatikos na rin sa gobyerno dahil sa pagpapasara sa mga pyramiding scheme.

Dagdag pa ni Roldan na may mga nakalap silang social media postings na mula sa mga empleyado ng pamahalaan na maaring magamit na ebidensya sa pagsasampa ng kaso laban sa mga ito.

Hamon ngayon ni Roldan sa mga government employees na kung hindi ito sang-ayon sa pagpapasara sa mga investment schemes, mas mabuti pang mag-resign na lamang ang mga ito mula sa kanilang mga trabaho.

“Ang mga empleyado sa pamahalaan are not supposed to joint any illegal activities. Kahit sa Civil Service Commission (CSC) ito’y nasa ethical standard. Ang nakakasama pa nito, dahil may mga empleyado ng pamahalaan na nagpo-post ng anti-government statement dahil sa pagpapasara sa mga investment schemes,” ani Roldan.