-- Advertisements --

Balak ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na magsagawa ng audit sa mga foreign nationals na nagtatrabaho sa Philippine Offshore Gaming Operators (Pogos) para matiyak na nagre-remit ang mga ito ng wastong halaga ng buwis sa national government.

Sinabi ni BIR Deputy Commissioner Arnel S.D. Guballa na balak ng ahensya na gawin ito matapos matukoy ang preliminary figure na nasa 130,000 foreign nationals na nagtatrabaho sa Pogos ay hindi registered sa BIR.

Paliwanag ni Guballa, posibleng registered sa BIR ang mga Pogos kung saan ang kanilang remittances ay accounted for, pero ang mga foreign workers na empleyado nito ay posibleng hindi naman registered, na maaring makaapekto sa halaga ng tax remittances na ibinibigay sa ahensya.

Naniniwala aniya ang BIR na ang mga foreign workers na ito ay nagtatrabaho sa mga online gaming sector, kung saan karamihan ay pawang mga Chinese nationals.

Noong karaang buwan lang sinabi ni Finance Sec. Carlos Dominguez III na sa kanilang computation, nasa P22 billion kada taon ang hindi nakokolekta sa income taxes ng mga nagtatrabaho sa Pogos.