-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Naniniwala rin si Sen. Francis Kiko Pangilinan na pangha-harass ang ginawa ng gobyerno sa mga kritiko nito gaya ng malaking TV network na ABS-CBN Corporation.

Sa panayam ng Bombo Radyo Butuan, inihayag ng senador na sa kabila ng kinakaharap ngayong epidemya ng bansa sa mga health issues gaya ng 2019 novel coronavirus (nCoV) at African swine fever (ASF), mas inuna pa ng pamahalaan ang pagsasampa ng mga kaso sa mga kritiko nito at sa pagpapasara sa isang media entity.

Dagdag ng mambabatas, mabilis lamang umano sa pangha-harass sa mga kritiko nito ang gobyerno ngunit mahina sa pag-aksyon sa mga ma-iinit na kaganapan ngayon ng gaya ng pagba-ban umano sa mga Chinese na makapasok sa Pilipinas at sa paghahanap sa mga posibleng carrier ng 2019 nCoV ngayon sa bansa.

Dagdag pa Sen. Pangilinan, pang-aatake sa freedom of expression ang pagsasampa ng quo warranto petition upang ipawalang-saysay ang legislative franchise ng ABS-CBN Corporation at kanilang subsidiaries.

Bagay na dapat bigyan ng agarang pansin lalo na at ang Kongreso at hindi sa Supreme Court dinala ang reklamo laban sa naturang media entity na syang nararapat dapat magdedesisyon kung papayagan nila itong maka-renew o hindi ng kanilang prangkisa.

Samantala kinwestyon din ng senador ang kahandaan ng gobyerno lalo na ng Department of Health (DOH) dahil kulang pa ang kanilang ibinigay na impormasyon sa mga naitalang kaso ng nakamamatay na NcoV pati na umano sa mga Persons Under Investigation (PUIs) at parang nagre-relax lamang umano ang mga napat na nakatutok dito.

Binatikos din nito ang mabagal na pagpapatupad ng total ban dahil mas inuna p a umano ng pamahalaan ang interest ng mga Chinese imbes na gawing prayoridad ang kaligtasan ng mga Pilipino.