-- Advertisements --

Pansamantalang nag-shut down ang government offices sa Hong Kong dahil sa walang tigil sa kilos protesta laban sa extradition bill.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Bombo International Correspondent Merly Bunda direkta sa Hong Kong, sinabi nito na nagdesisyon ang mga otoridad doon na ipatigil muna ng isang linggo ang operasyon ng mga government offices sa financial district.

Ayon kay Bunda, layunin ng nasabing kautusan na maiwasan ang mga empleyado ng gobyerno ng Hong Kong na madamay sa kilos protesta at upang hindi pasukin ang mga opisina.

Sa ngayon ayon kay Bunda, kahit na buhos ang ulan sa Hong Kong ay patuloy pa rin ang kilos protesta laban sa extradition bill.

Ito na rin anya ang “worst violence” na nangyari sa Hong Kong mula nang ipinaubaya na ng Britanya sa Chinese Rule ang Hong Kong noong 1997.