-- Advertisements --

Malaki ang sinasabing mawawalang income sa gobyerno dahil sa agarang pagtigil sa operasyon ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) gambling operations.

Aabot kasi sa halos P32 billion ang kinikita mula sa lotto, P4 billion mula sa Keno, P26 billion mula sa STL, P4 million mula sa Traditional Sweepstakes at P1.1 billion mula sa Instant Sweepstakes.

Sa kabuuan, aabot ito sa P63.5 billion ang pumasok na kita noong 2018, habang P52 billion naman noong 2017.

Pero tiniyak ng Malacanang na hindi ito makaka-diskaril sa mga proyekto ng pamahalaan.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, mas malaki pa ang mawawala sa korapsyon kung hindi ihihinto ang mga aktibidad sa PCSO.