-- Advertisements --
Duterte signing
Pres. Rodrigo Roa Duterte

Pirmado na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Republic Act 11392 o National Performing Arts Companies (NPAC) Act na layong paglaanan ng pondo ang mga performing arts companies sa bansa.

Sa ilalim ng batas, maglalaan ng P5 million hanggang P10 million sa loob ng limang taon ang gobyerno para sa mapipiling NPAC mula sa bawat genrè tulad ng National Ballet/ Contemporary Dance Company, National Theater Company, National Orchestra, National Choral Company, at National String Ensemble.

Ang kuwalipikadong NPAC ay dapat na pasok sa national scope, mayroong high standards ng artistic excellence, nairepresenta na ang Pilipinas sa ibang bansa at iba pang professional record track.

Cultural Center CCP
The Cultural Center of the Philippines (CCP)

Ang selection committee na bubuuin ng 15 miyembro ang siyang pipili ng qualified NPACs na tatanggap ng mga benepisyo at serbisyo gaya ng libreng paggamit ng government facilities at cultural venues para sa cultural and artistic performances.

Nitong Agosto 22 nang lagdaan ni Pangulong Duterte ang batas na magiging epektibo, 15 araw matapos na opisyal na mailathala sa mga pangunahing pahayagan.