Inihayag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na malabo na magkaroon ng government takeover sa kabila ng nararanasang palagiang power outages sa Visayas region.
” No. I won’t take over anything. We’ll augment. Ganun na lang kasi kulang eh,” pahayag ng Pangulong Marcos.
Aminado ang Pangulo na sadyang hindi sapat ang power suplay na dahilan sa pagkakaroon ng brownout.
Binigyang-diin ng Pangulo na gumagawa na ngayon ng hakbang ang gobyerno para tugunan ang nasabing sitwasyon partikular ang nararanasan ngayon sa Negros Island.
” What we are thinking about Negros was how do we get the surplus power out of Negros into the rest of the Visayas beacuse net loss sila, net undersupply sila eh,” wika ng Pangulong Marcos.
Sinabi ng Pangulo ang nagkaka-problema ngayon ay ang Negros at Panay Island dahil sa distribution sytem na kasalukuyang tinutugunan na.
Sa ngayon, tinutukoy na ng National Grid Corporation of the Philippines kung ano ang sanhi ng power outages sa mga apektadong probinsiya sa Panay Island.
” We are now trying to manage rather our water consumption, power consumption because that’s very closely related,” pahayag ng Pangulong Marcos.