Ibinada ni outgoing Budget Sec. Benjamin Diokno ang pagtatapos ng underspending o hindi pag-ubos ng pamahalaan sa budget nito para sa mga proyekto.
Sa isang press briefing sinabi ng kalihim na nakamit ng DBM ang spending goal nito noong nakaraang 2018, kung saan naubos sa paggamit para sa mga proyekto ang inilaang P3.4-trilyon na national budget.
Ani Diokno, pinaka-malaking pinaggastusan ng pondo ang mga proyektong may kinalaman sa imprastuktura at personal na gastusin ng mga tanggapan.
Mula sa target na higit P860-billion na gastos para sa infrastructure projects, ay umabot umano sa higit P880-billion ang nagastos ng pamahalaan para rito.
Dagdag pa ng outgoing Budget secretary, ito ang unang pagkakataon na muling nagamit ng gobyerno ang kabuuang budget nito, sa loob ng nakalipas na 12 taon.