-- Advertisements --
Gawa ng international Filipino fashion designer na si Michael Cinco ang gown na gagamitin ng pambato ng Singapore sa 68th Miss Universe sa Atlanta, Georgia sa darating na Disyembre 9.
Isang orchid flower inspired ang susuotin ni Singaporean Mohanaprahba Selva.
Nasa bansa kasi si Mohana dahil ang trainer niya ay si Jonas Gaffud na siyang creative consultant ng Miss Universe Singapore.
Sabay naman magtutungo sa US si Mohana at ang pambato ng Pilipinas na si Gazini Ganados para sa nasabing pageant.