-- Advertisements --

Babandera ang gown na gawa ni Dubai-based Filipino fashion designer Michael Cinco sa Miss Universe pageant.

Miss Canada
Miss Canada

Ito ay dahil susuotin ng mga pambato ng Canada na si Nova Stevens at Bianca Tirsin ng Romania ang gown na gawa nito.

Sinabi ni Miss Romania na isang karangalan na isuot ang gown na gawa ng kilalang fashion designer ng Pilipinas.

Bago naman magtungo sa US si Miss Canada ay dumaan muna ito sa kay Cinco sa Dubai kung saan ibinahagi niya ang mga isusuot na gown sa nasabing pageant.

Sinabi naman ni Cinco na napagkasunduan nila na maging makulay ang gown ng dalawa para sila ay mangibabaw sa ilang mga kandidata.