-- Advertisements --
rabiya gown 2

ILOILO CITY – Ekslusibong ipinasilip sa Bombo Radyo Philippines ang gown na gagamitin ni Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo sa kanyang homecoming sa Iloilo ngayong Huwebes.

Sa ekslusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo sa Ilonggo Fashion Designer na si Ram Silva, sinabi nito na gawa sa hablon at fully beaded ang gown na susuotin ng Ilongga beauty queen.

Ayon kay Silva, kulay pula, asul at gold ang gown ni Rabiya na hinango sa Philippine national flag.

Napag-alaman na si Silva ay nagdisenyo na rin ng mga gown ng mga beauty queens kagaya nina Miss Universe Philippines 2019 Gazini Ganados at Miss Universe 2018 Catriona Gray.