-- Advertisements --
catriona gown
Photo courtesy of Mak Tumang’s Facebook

LEGAZPI CITY – Puspusan na umano ang paghahanda ng Museo de Legazpi sa Albay kaugnay ng kaabang-abang na exhibit sa Nobyembre na tampok ang mga isinuot na gown sa prestihiyosong pageant ni Miss Universe Catriona Magnayon Gray.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Darlito Perez, museum curator ng Legazpi, sinabi nito na nanalaytay ang dugong Bikolano kay Catriona na nararapat lamang na ibida sa mga kababayan.

Aprubado at “ready to showcase” na umano ang ilang isinuot ni Catriona na hawak ngayon ng National Historical Commission of the Philippines.

Hinihintay pa sa ngayon ang commitment ng designer ng “lava gown” ni Catriona na maaring ipakita lamang umano sa loob ng tatlo hanggang limang araw.

Dodoblehin din ang ilalatag na seguridad para sa pagbabantay sa naturang espesyal at mamahaling gown.

Maliban kay Catriona, kabilang din sa mga ipapakita sa exhibit ang mga kapwa Bicolano title holders nito sa iba’t ibang malalaking pageants na sinalihan.

Samantala sa Pebrero sa susunod na taon naman, tuloy na tuloy na ang solo artist exhibit ng mga painting ni Heart Evangelista sa museo sa oil canvass medium.

Ibinunyag rin ni Perez ang pakikipag-ugnayan sa pamilya ng dating Pangulo ng Republika upang mai-feature ang mga paintings nito na target sa darating na Disyembre.

heart evangelista paintings
Heart Evangelista collection of paintings (photo from LoveMarie O. Escudero Twitter)