Kinumpirma ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na may plano ang gobyerno na magtatayo ng radio station sa Pagasa Island na sakop ng munisipyo ng Kalayaan sa Palawan.
Inihayag ito ng kalihim matapos pangunahan ang inagurasyon ng bagong gawang beaching ramp sa Isla kahapon.
Ayon kay Lorenzana layunin ng paglalagay ng radio station sa isla ay upang mabigyan ng impormasyon ang mga mangingisda patungkol sa ulat panahon.
Maging mga impormasyon patungkol sa environment na makakatulong sa buong komunidad.
Maari rin aniyang talakayin sa itatayong radio station ang pagturo sa mga mangingisda sa isla na gumawa ng mga matitibay na bangka upang hindi mapahamak kapag hina harass ng mga Chinese vessels.
Ang Pagasa Island ay isa sa mga tinaguriang disputed islands sa West Philippine Sea na kapwa inaangkin ng China at Vietnam.