-- Advertisements --

(Update) BACOLOD CITY – Nilinaw ng Grade 4 teacher sa Lungsod ng Bacolod na suspek sa pagmolestiya sa isang 13-anyos na hindi nito pinilit ang biktima.

Nabatid na nakakulong sa Police Station 7 ang 39-anyos na guro makaraang maaresto ng mga pulis.

Sa panayam ng Bombo Radyo Bacolod sa suspek, nilinaw nitong may relasyon sila ng 13-anyos ngunit itinago lamang ito sa mga magulang ng dalagita.

Ayon sa guro, halos dalawang taon na ang kanilang relasyon ng Grade 8 student at consensual o may pahintulot ang kanyang pagpasok ng daliri sa ari nito.

Ngunit dahil nakita ito ng kapatid ng 13-anyos, nagsumbong ito sa kanilang mga magulang na agad namang humingi ng tulong sa mga pulis.

Hindi naman ito ang pinakaunang pagkakataon na “ginalaw” ng guro ang Grade 8 student kung saan ang una ay nangyari umano sa eskwelahan sa Barangay Vista Alegre.

Ayon sa guro, estudyante niya sa Grade 4 ang dalagita at unti-unting nahulog ang kanilang damdamin sa isa’t-isa.

Umaasa naman ito na mapapatawad siya ng mga magulang.