KORONADAL CITY – Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng North Cotabato-Philippine National Police (PNP) hinggil sa suicide incident sa Kabacan, North Cotabato.
Sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal kay Police Lieutenant Colonel Bernard Tayong, tagapagsalita ng North Cotabato Police Provincial Office, kinumpirma nito ang misteryosong insidente ng pagpapakamatay ng isang 17-anyos na lalaking nasa Grade 7 at 13-anyos na babaeng Grade 10 student ng University of Southern Mindanao.
Ayon sa imbestigasyon, una umanong binaril ng Grade 10 ang Grade 7 gamit ang cal. 38 na revolver at sumunod din ito sa pamamagitan ng pagbaril sa sarili.
Lumalabas sa imbestigasyon na nagkakakilala ang dalawa at nagkaroon ng “mutual understanding” dahil kapwa sila may problema sa pamilya kung saan pinapagalitan umano ang Grade 10 dahil sa mababang grades at may history na rin ng suicide attempt ang Grade 7 student.
Wala naman umanong palatandaan na magkarelasyon ang dalawa.
Ipinasisiguro naman ng North Cotabato PNP ang malalimang imbestigasyon at pinaalalahanan ang mga magulang na i-monitor ang kani-kanilang mga anak.