Nakatakdang sampahan ng kaso ang grab driver na si Michael Go na inaresto ng walang warrant dahil sa tweet nito na nagbabanta sa buhay ni Presidential candidate Bongbong Marcos.
Ayon sa Office of the Prosecutor General naghain ng kaso ang complainants na si Ken Romualdez at QC Police District Criminal Investigation and detection unit ng Grave threats may kinalaman sa Cybercrime Prevention Act of 2022 laban kay Go.
Batay sa Office of the Prosecutor General ang grave threat ay isang krimen laban sa seguridad ng publiko.
Sa ilalim ng Article 282 ng naturang batas, pinaparusahan ang sinuman na magbabanta laban sa isang indibidwal, dangal, o pagmamay-ari o sa kaniyang pamilya ay katumbas ng krimen.
Isasampa ang naturang kaso sa Quezon City Regional Trial court.