-- Advertisements --
Nakalaya na ang babaeng GRAB driver na inaresto matapos maka-alitan si Police Capt. Ronald Saquilayan dahil sa simpleng away sa parking.
Ayon kay Taguig City Police Chief Col. Celso Rodriguez, nakalabas ng kulungan si Mary Florence Norial matapos makapaghain ng piyansa sa piskalya sa kasong unjust vexation.
Magugunitang dinampot ng mga tauhan ng Taguig City PNP substation 4 si Norial makaraang mauwi na sa sakitan ang pagtatalo nila ni Saquilayan.
Nag-ugat ito nang hindi pagbigyan ni Saquilayan na dumaan sa sa driveway ng isang sikat na Coffee shop sa isang mall sa Taguig ang sasakyang minamaneho ni Norial sa loob ng ilang minuto kaya’t nauwi na ito sa mainitang pagtatalo