Kinumpirma ng Grab Philippines na isang GrabExpress rider ang kabilang sa dalawang nasawi sa twin bombing sa Quiapo kahapon.
Sa official statement na inilabas ng Grab Philippines na kanilang kino kondena ang nangyaring pagsabog sa Norzagaray Street.
Lubha din nilang ikinalungkot ang insidente na ikinasawi ng dalawang indibidwal kabilang ang isa sa kanilang GrabExpress partners.
“Grab Philippines condemns perpetration of the bombing on Saturday at Norzagaray Street in Quiapo, Manila. We are deeply saddened the incident took the lives of two civilians, including one of our GrabExpress partners. Our prayers go out to those who perished, and we extend our sympathies and deepest condolences to their loved ones,” official statement ng Grab Philippines.
Tinutukoy na sa ngayon ang pagkakakilanlan ng driver ng GrabExpress habang nakilala naman ang indibidwal na tumanggap ng package na si Mohammad Bainga na kapwa namatay on the spot.
Ang GrabExpress ay isa sa mga serbisyo na ino-offer ng Grab Philippines kung saan ang kanilang mga customers ay pwedeng magpadala ng kanilang mga parceks saan mang lugar sa Metro Manila.
Una ng kinumpirma ni National Capital Region Police Office Director Oscar Albayalde na isang GrabExpress rider ang nag picked up ng package malapit sa SM Manila.
Tiniyak naman ng Grab Philippines ang kanilang kooperasyon sa isinasagawang imbestigasyon ng PNP kaugnay sa dalawang magkasunod na pagsabog sa Quiapo kahapon.
“We are one with authorities in pursuing justice for those who needlessly lost their lives and were hurt. We pledge our full support and cooperation in the conduct of their investigation. Grab and our GrabExpress partners will remain vigilant and work with the police to take extra care in areas that may be identified as at risk for such incidences,”pahayag ng Grab.