-- Advertisements --
grab
Grab Ph

Humingi na ng paumanhin ang Grab Philippines matapos na umani ng batikos ang kanilang social media post.

Ayon sa social media post ng kumpanya, na humingi sila ng paumanhin dahil sa pagiging manhid nila sa isyu.

Nilinaw nila na wala silang intensiyon na mambastos sa mga kababaihan.

Nauna rito nagpost ang kumpanya sa kanilang social media na naglalaman ng larawan ng mga artistang sina Pia Wurtzbach, Bea Alonzo, Sarah Geronimo, Kim Chui, Maja Salvador at Julia Barretto na may captioin na sa puwed silang sabay-sabay sa GrabCar 6-seater.

grab apostlogy
Grab apology/ FB image

May kaugnayan ang post sa usapin ng hiwalayan ng actor Gerald Anderson at Bea Alonzo dahil sa pakikipag-ugnayan kay Julia Barretto.

Ang nasabing mga babaeng artista ay iniuugnay na na-link sa actor.