Inaasahan na umano ni Kawhi Leonard at maging ng kanilang coach ang gagawing diskarte ng Golden State Warriors sa kanilang Game 1 sa NBA Finals.
Kung mapapansin naglatag ng matinding depensa ang Warriors at matagumpay na nalimitahan nila ang bagong superstar ng Toronto Raptors.
Aminado si Kawhi na naging epektibo ang ginawa sa kanya ng Warriors upang siya ay mag-slow down tulad ng pag-double teamed, pagdiskarel sa kanya sa mga pick-and-rolls at binigo rin siya sa mga one-one-one plays.
Sa kabuuan ay nagtapos si Leonard ng 23 points, walong rebounds at limang assists.
Sa kanyang field goal attempts ay meron siyang nakakadismayang 5-of-14, sa three point area naman ay 3-out of-6 at sa free throw line ay pomoste ang dating finals MVP ng 10-of-12.
Paliwanag ni Leonard kahit pinahirapan siya sa depensa ng Warriors, buti na lamang daw ay nag-step up ang mga teammates lalo na si Pascal Siakam.
Para naman kay Leonard hindi na siya nagpilit na maging “hero” kahit siya ay palaging na-double team dahil ang importante aniya ay magkaroon ng kontribusyon ang lahat ng mga players sa Raptors.
Kung mapapansin ilang beses na umatake si Siakam para itala ang 14-for-17 mula sa field habang si Marc Gasol ay binulabog din ang depensa ng Golden State nang gumawa ng 6-for-10 sa field.
Ang 32 points effort ni Siakam ay kanyang unang playoff career-high.
Mistulang nangangapa ang Warriors kung paano nila haharangan ang isa sa finalist for Most Improved Player na native ng Cameroon.
Si Danny Green naman ay hindi rin nagpahuli nang kumamada ng 11 points gamit ang 3-for-7 shooting mula sa three-point area.
“I mean, they did a good job both halves blitzing my pick-and-rolls, keep the third guy in the bag, not letting me play one-on-one really tuned in their defence,†paliwanag pa ni Leonard. “That’s pretty much it just not letting me get no easy looks bringing two to the ball, and if I get by, that third guy is coming
Ang tinaguriang “Splash Brothers” na sina Stephen Curry (23) at Klay Thompson (21) ay kapwa umamin sa kanilang naging kakulangan.
“We did a good job limiting Kawhi. But it’s not Kawhi Leonard. It’s the Raptors,†ani Thompson. “I mean, Kawhi didn’t have his best game to his standards, but other guys stepped up.â€
“Obviously Kawhi’s the nucleus of what they do. We did a good job on him,” wika naman ni Curry. “We have to keep doing a good job on him.”
Samantala ang katatapos na Game 1 ay naging isa sa sidelights ang pagbabalik na ng sentro ng Warriors na si DeMarcus Cousins, gayunman tulad ng inaasahan hindi pa rin nakalaro si Kevin Durant, ang naging MVP sa nakalipas na dalawang NBA Finals.
Gagawin ang Game 2 sa Lunes sa teritoryo pa rin ng Raptors.