Lubos ang kasiyahan ng mga membro ng Grace Guardians sa Barangay Capataan, San Carlos City ng sila ay makatanggap ng di ina asahang relief goods na bigas.
Ang nasabing relief ay galing sa kanilang Founder na si Marlon De Guzman na kasalukuyang OFW sa Hong Kong.
Pinakita ng kanilang Founder na bagamat nasa ibayong dagat sya at hindi mayaman sa kaniyang pamumuhay ay kaya nyang ibahagi sa kanyang mga Bro at Sis kung ano meron sya dahil sa kanilang kalagayan ngayon na total lockdown na pinapatupad ng Gobyerno dahil sa nakamamatay na coronavirus disease 2019 o COVID-19.
Muli ay napatunayan na naman ng grupong Guardians ang kanilang katapatan at malasakit sa isa’t isa at laging nabubuhay sa kanilang motto na WALANG IWANAN HANGGANG SA HULING PATAK NG DUGO NG MGA GUARDIANS. Ang Guardians ay Maka~Diyos, Maka~Tao, Maka Kalikasan at Maka~Bansa.