BACOLOD CITY – Nais pa ring magpasaya at tumulong ng sikat na Pinoy electro-pop rock band na Gracenote sa mga apektado ng COVID-19 pandemic sa kabila ng ilang nararanasan nilang mga problema.
Sa exclusive interview ng Star FM Bacolod sa mga miyembro ng bansa, sinabi nilang malaking hamon bilang grupo ang hindi personal na magkakasama para tumugtog pero patuloy ang paggawa ng paraan upang makapag-perform pa rin online sa gitna ng dinaranas dulot ng pandemic.
“Malaking adjustment tsaka nakaka-challenge lalo na ‘yung internet. Pini-figure out pa namin paano kami magsasabay ‘pag kunyari nagkakaroon kami ng online shows. ‘Yun ‘yung mga bagay na nakaka-challenge sa amin lalo na at sanay kami na intact,” wika ni Gracenote vocalist, Eunice Jorge.
Marami pa umanong mga bagong kanta kasunod ng Kalawakan at I’m Done ang inihahanda ng Gracenote na kinabibilangan nina Jorge (vocals, keyboards, violin), Jazz Jorge (bass), EJ Pichay (drums) at Tatsi Jamnague (guitars).
Ilan sa mga pinasikat ng Gracenote ay ang rock version nilang “When I Deam About You”, mga sariling kanta na “Pwede Ako”, “Antukin”, “Bakit Ganyan Ka” at marami pang iba.