-- Advertisements --
250px Ph locator la union san fernando

LA UNION – Target ngayon ng city health office (CHO) sa syudad ng San Fernando na bisitahin ang mga pampublikong paaralan sa syudad.

Ang nasabing hakbang ay may hangarin na isailalim sa urinalysis o pag-eksamin sa ihi ng mga estudyante sa elementarya, mula Grade 1 to Grade 6 sa mga nasabing eskuwelahan.

Sinabi sa Bombo Radyo La Union ni City Health Officer Dr. Eduardo Posadas, na ito ay pagtugon sa tumataas na kaso ng chronic urinary tract infection disease (UTI) sa mga mag-aaral.

Iginiit ni Dr. Posadas na kinakailangan ipatupad kaagad ang nasabing hakbang para hindi na madagdagan pa at lumala ang sakit ng mga bata, na posibleng magresulta sa pagkasira ng bato/kidney at pagpapa-dialysis kung mapapabayaan.

May kabuuang 26 na pampublikong paaralan sa syudad at target ng CHO kasama ang DepEd at BHWs, na bigyan prayoridad ang mga paaralan sa upland barangays.