-- Advertisements --

(Update) CEBU CITY – Nagpapatuloy pa rin ngayon ang hot pursuit operation laban sa tatlong suspects sa pagpatay sa Grade 10 student sa may Sitio Banilad, Brgy. Tomonoy, bayan ng Moalboal sa probinsya ng Cebu.

Una nang kinilala ang biktima na si Harries Olibo, 21.

Ayon kay Corporal Wilfredo Rosal ng Moalboal police station, nakatanggap sila ng tawag mula sa isang concerned citizen dahil sa umano’y may nakitang bangkay ng isang lalaki sa naturang lugar.

Nang rumesponde ang mga pulis, nakita nila ang biktima na walang pang-itaas na damit at puno ng pasa ang katawan.

Nakita din sa crime scene ang isang martilyo na pinaniniwalaang ipinukpok sa biktima dahil may sugat din ito sa ulo.

Basi rin umano sa isang witness, ang mga suspect ay sumakay daw sa isang puting van pagkatapos ginawa ang krimen.

Nabatid na pinaghahanap na ang biktima ng kaniyang mga magulang noong pang Hulyo 3 ngunit nang matagpuan ito kahapon ay isa na itong malamig na bangkay.